Sa unang taon, ikaw ay makakatanggap ng 4% interest kada anim na buwan sa simula ng balanse sa kalahating taon. Pagkatapos ng unang taong iyon, tataas ang interest rate ng 5% at mananatili sa 5% hanggang sa katapusan ng nakatakdang 2 taon. Ngunit para ma-withdraw ang anumang bahagi ng 5%, kailangan ay mas mataas ang iyong balanse sa paunang investment.
Halimbawa: kung ang iyong account ay nasa $100,000 o mas mataas, babayaran ka ng kompanya ng 5% interest ng $100,000, na ang halaga ng iyong panimulang balanse. Kapag mas bumaba ang iyong balanse sa account sa paunang investment mo, babayaran pa rin ng kompanya ang 5% sa panibago mong balanse pero hindi ka papayagang mag withdraw hanggang sa maipon ulit ang panimulang balanse mo. Makakapag-withdraw ka lang mula sa account mo kapag mas mataas sa paunang investment ang iyong balanse.
Pangalawang halimbawa: Noong Enero 1, 2018, ang paunang investment mo ay $100,000. Pagkatapos, noong Hunyo 30, 2018, mababayaran ka ng 4% batay sa balanse na $100,000 noong Enero 1, 2018, na nagkakahalaga ng $5000. Ngayon, noong Hunyo 30, 2018, lumago ang iyong paunang investment mula $100,000 at naging $140,000, pagkatapos ay idinagdag mo ang iyong interest na $5000 kaya ang naging kabuuang balanse ay $145,000. Sa puntong ito, pwede mong i-withdraw ang kabuuang kita na $45,000 dahil ito ang halagang labas sa iyong paunang investment.
Isang Utang
Sa 2 taong plan, sa paunang investment na $100,000, pwede kang humiram ng hanggang $5000 basta’t ang balanse sa iyong account ay $100,000 o mas malaki. Sa unang taon, babayaran ka pa rin ng kompanya ng 5% batay sa $100,000 basta’t ang iyong balanse pagkatapos ng utang na $5000 ay hindi bababa sa $95,000. Sa ganitong paraan, makukuha mo pa rin ang 5% interest na hango sa $100,000 kahit na $95,000 lang ang iyong balanse.
Package na Bakasyon
Sa 2 taong plan, pagkatapos mong maging kasapi ng kompanya sa loob ng 9 na buwan, bibigyan ka namin ng 1 bakasyon. Ang bakasyon ay DAPAT nasa Continental U.S. Para sa aming mga kliyente sa iban bansa, ito ay dapat sa kanilang sariling bansa. Magbabayad kami para sa 3 araw, 2 gabing pamamalagi. Ibabalik ng kompanya ang mga gastusin para sa bakasyon, hanggang $2700.