INVESTMENT PLAN A

ALYAS “Quick Action”: 1 taon o mas maikli

Pinakamababang Investment $25,000

Investment Plan

Ang 1 taon o mas maikling plan ay para sa mga taong gustong mag-ipon ng kapital, hanggang sa makapag-upgrade na kayo sa isa sa mga pangunahing plan namin. Sa plan na ito, hindi kayo pwedeng mag-invest nang lampas sa pinakamababang halaga o mínimum. Ang interest rate ay 2%, at buwan-buwan itong ilalapat sa iyong account kung ang iyong account ay nasa mínimum na antas ng investment o lampas dito.

Kung mas mababa sa minimum, hindi ilalapat ang 2%. Mahigpit naming ipinapayo na huwag kang mag-iinvest sa plan na ito kung hindi mo kayang mawala sa iyo ang iyong BUONG investment. Ang malaking pagkakaiba ay matatanggap mo ang anumang naipong kita, kung naroon na ito.

Isa pang mahalagang punto ay ang plan na ito ay mag-eexpire SA SANDALING naging triple ang iyong investment, na may kabuuang halagang $75,000. Sa puntong iyon, ikaw ay aabisuhan kaagad kapag ito ay nangyari. Isasara ng kompanya ang iyong account kapag naging triple na ang halaga ng investment, at agad ka naming aabisuhan. Ito ay dahil hindi ka na kwalipikadong manatili sa plan na ito. Ngunit, pwede mong i-renew ang iyong kontrata pagkatapos ng 90 araw na panahon ng paghihintay.

Kailangan naming LUBOS na matiyak kung gusto mo ulit subukan ang iyong suwerte. Ang dahilan nito ay para ikaw, ang investor, ay hindi magkaroon ng pagkakataong maging sakim. Sa palagay namin, dahil ikaw ay kumita na ng $50,000 pagkatapos lang ng pagiinvest ng $25,000, ay naging mahusay ang pagganap ng iyong account, at HINDI ito kapaki pakinabang sa aming kliyente kung ito ay magpapatuloy.

Oo, alam namin na ito dapat ay pasya mo, ngunit ang aming layunin ay ang protektahan ang IYONG naipong kita kahit anong mangyari. Sa madaling salita, gusto naming kunin mo ang iyong pera at tumakbo na. Ito ang matalinong paraan at okey lang sa amin ito. Pero siguro pagkatapos noon, masasabi mo ito sa isa o dalawang kaibigan. Kapag natapos na ang 1 taon mo at hindi ka pa kumikita nang kahit $50,000, maaaring manatiling bukas ang iyong account, hanggang sa umabot ito sa halagang iyon. Lubos na nasa IYO kung gusto mong manatili sa iyong kontrata pagkatapos ng 1 taon.

Kapag natapos na ang 5 buwang mandatoryong panahon ng pagsubok, pwede kang magkansela kahit kailan at walang singil na ilalapat. Ang malaking bahagi ng 1 taong plan na ito ay ang pausadin ang iyong kapital sa tamang direksyon.

Pay Now

PAUNAWA

Kapag nakatanggap ka na ng kitang $50,000, kung nailabas mo man ito mula sa account mo o hindi, kapag nakaabot na ang iyong account sa limit na $50,000, kahit gastusin mo ito o hindi, HINDI na magiging aktibo ang plan na ito.

HINDI ITO LUBOS NA MAGAGARANTIYAHAN

Select Language »